Pag-iimbak ng Mapagkukunan ng Mineral vs Alternatibong Pag-unlad
Ang pamahalaan sa buong mundo ay nililimitahan ang pagkuha ng mga natural na mapagkukunan ng mga mineral, habang mayroong isang pagtaas ng demand para sa materyal na pang konstruksiyon tulad ng buhangin at graba, apog at mga aggregate. Sa punto na sa Pilipinas ay maraming mga site ng konstruksiyon na maaaring nakaharap sa kakulangan ng materyales, pagkaantala at kahit isang malaking pagtaas ng presyo.
May solusyon, simple at sulit.
Upang bumuo ng susunod na mga napakataas na gusali, mga tulay, mga daanan,mga dam, at mga bahay, sa halip na gumamit ng konvensional na mga materyales para sa gusali, ang alternatibong paraan ay ang paggamit ng materyal na niresaykel mula sa mga nakaraang proyekto o materyal na mayroon sa site.
Pag-isipan natin kung ang isang gusali ay binuwag, ang lahat ng mga labi ay hindi dapat ituring na basura, kundi dapat ay iproseso ito upang mabigyan ng isang bagong layunin.
Paano? Ito ay ang simpleng bahagi lang.
Mula noong 2001 ang MB Crusher ay nagdidisenyo at nagmamanupaktura ng mga attachment na isang daang porsyento (100%) gawa sa Italya na kumakatawan sa solusyon. Ang bawat isang unit na ginawa ng MB ay nagpapahintulot sa pagbawi at pag-recycle ng mga hindi gumagalaw na basura sa mababang gastos at may kaunting epekto lamang sa kapaligiran.
Sa lugar na pagtatayuan, palaging mayroong mga excavator o iba pang mga mabibigat na makinarya, at sa mga yunit ng MB na may isang makina at isang operator lamang, ang materyal ay maaaring malunasan.
Ang pangunahing negosyo ng MB Crusher ay ang Jaw Crusher bucket at Screening bucket para sa mga panghukay (excavator), tagapagkarga (loader), skid steer at backhoe mula 2.6 hanggang sa higit pitungpung (70) tonelada. Mga compact machine na may mababang epekto sa ingay, kung saan posible na maglagay ng isang magnet kit, upang tipunin ang bakal pagkatapos durugin at salain. At isang dust control kit, isang patentadong sistema (patented system), na akma sa isang timba o (bucket), na nagwiwisik ng tubig sa materyal at nagdadalisay ng alikabok pababa.
Ang mga unit ng MB Crusher ay nagpahintulot na maisagawa ang kumpletong pag-ikot ng pag-recycle sa lugar ng pagtatayuan, pinapadali ang mga operasyon ng pagyurak o pagdurog, pagsala at paghawak ng mga aggregate. Ang mga ito ay makabagong makinarya na mag-aalis ng pangangailangan sa paglilipat ng materyal, mag-aalis ng mga gastos sa transportasyon at mga gastos sa pagkuha. Dahil sa kagalingan ng mga makinang MB Crusher, maaari silang magamit sa mga lugar na may maraming trapiko pati na rin sa mga liblib na lugar, dahil ang mga ito ay madaling maipakilos ng makinang pinagkabitan sa kanila.
Sa kaso ng Pilipinas na may maraming isla, ang logistiks ay isang bangungot, mahirap, mahal at umuubos ng oras. Subalit ang pagkakaroon ng MB Crusher bucket ay maglulutas ng lahat ng isyu, dahil ang materyal ay hindi na kailangang ilipat upang iproseso ito, dahil ito ay babawasan at direktang magamit muli sa site. Bukod dito, hindi na kinakailangan ang anumang espesyal na paghahakot, dahil ang mga MB Crusher attachment ay maililipat kasama sa heavy equipment na kung saan ay nakalakip ang mga ito.